BASAHIN: DIGITAL OVERSEAS VOTER'S ID NOW AVAILABLE

By: Embassy of the Republic of the Philippines, SEOUL

Ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul na maaari nang makatanggap ng Digital Overseas Voter's ID mula sa Commission on Elections-Office for Overseas Voting (COMELEC-OFOV) ang mga Filipino na nakarehistrong bumoto sa South Korea, ayon sa mga sumusunod na hakbang:

1. Tingnan ang Sertipikadong Listahan (hanggang 31 Marso 2024) sa https://bit.ly/SouthKoreaCLOVMar2024 at suriin kung kayo po ay rehistradong Overseas Voter sa ilalim ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, South Korea.

2. Kung kayo po ay kabilang sa nasabing listahan, i-click ang link na ito https://bit.ly/digitalvoterIDsouthkorea o kaya ay i-scan ang QR-Code, sagutan at i-submit ang request form.

3. Ang inyong Digital Overseas Voter's ID, kasama ang mga tagubilin kung paano ito i-download, ay ipapadala sa inyong email address na isinulat sa request form.

Tandaan po lamang na walang mga naka-imprentang kopya ng ID ang maipagkakaloob sa ngayon. At muli pong pinapaalala sa mga hindi pa nakarehistro na ang Overseas Voter Registration ay hanggang ika-30 ng Septiembre 2024 na lamang po.

Para sa anumang katanungan, mangyaring mag-email po lamang sa overseasvoting@philembassy-seoul.com.

Salamat po.