Inaanyayahan ng Embahada ng Republika ng Pilipinas at ng Intellectual Property Office of the Philippines ang ating mga kababayan sa ating Know-Your-Rights-and-Responsibilities Seminar Series na tatalakay sa mga batas at regulasyon na makakatulong sa mga imbentor, manunulat, at musikero na mapanatili ang kanilang mga karapatan. Ito'y gaganapin sa Nobyembre 3, 2024, 3:00 - 5:00 pm (KST) via Zoom. Magparehistro na sa https://bit.ly/2024kyrr. Magkita-kita po tayo!