PROGRAMA PARA SA BOLUNTARYONG PAGLISAN NG MGA DAYUHAN SA SOUTH KOREA, 2024

By: Embassy of the Republic of the Philippines, SEOUL

Ipinaalam ng Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Seoul sa mga Filipino sa South Korea na kamakailan ay inihayag ng Ministry of Justice (MOJ) ang boluntaryong programa sa pag-alis para sa mga dayuhang wala nang legal na katayuan na manatili sa Korea.

Ayon sa MOJ, ang mga dayuhang iligal na naninirahan sa South Korea na boluntaryong aalis simula sa Setyembre 30, 2024 hanggang 30 Nobyembre 2024 ay bibigyan ng: 1) "fine exemption" o hindi pagbabayarin ng multa; at 2) "suspension of re-entry restrictions" o hindi mailalagay sa listahan ng mga ipinagbabawal kailanman na makabalik sa South Korea sa loob ng nasabing programa.

Para sa higit pang mga detalye sa programa, maaaring tingnan ang nakalakip na impormasyong mula sa MOJ at tiyaking mabuti kung kayo ay kwalipikado o maaring mag-apply sa programa. Ang mga aplikante ay maaari ding makipag-ugnayan sa Immigration Contact Center sa 1345 (piliin ang Filipino sa mga wikang banyaga), o bisitahin ang website ng HiKorea (http://www.hikorea.go.kr) at Korea Immigration Service (http://www.immigration. go.kr).

Para sa pansariling kapakanan at kaligtasan, hinihikayat ng Embahada ang lahat na manatiling nasa wasto at legal ang kanilang katayuan, gayundin ang pasaporte at iba pang dokumento, habang nagtatrabaho o naninirahan sa labas ng ating bansa.