EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

ABISO TUNGKOL SA BAGONG POEA ONLINE PROCESSING SYSTEM PARA SA MGA OFWS AT BALIK MANGGAGAWA


15 October 2021- Nais ibahagi ng Pasuguan ng Pilipinas sa Filipino community sa Korea na may bagong POEA Online Processing System for Balik-Manggagawa o POPS BaM. Ang POPS-BaM ay ang gagamiting online system ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) upang makakuha ng Overseas Employment Certificate (OEC), gumawa ng appointment sa POEA at POLO, at maka-gamit ng POEA Helpdesk sa iba pang pangangailangan nito.

Ang lahat ng OFWs, bago man o mayroon ng existing POEA Balik-Manggagawa (BM) Account, ay kinakailangang gumawa ng e-Registration sa POPS-BaM. Ang existing BM record ay maita-transfer sa POPS-Bam sa pamamagitan ng pag-rehistro dito.


Sundan ang sumusunod na gabay tungkol dito:

1. Papaano umpisahan ang e-Registration?
a) Pumunta sa direct link http://onlineservices.poea.gov.ph
b) Sa e-Registration Panel, i-click ang "Let's Go", "Register" at "Accept the Terms of Use and Privacy Statement".
c) Punuan ang Personal Information pagkatapos basahin ang paalala. Siguraduhin na TAMA ang PANGALAN, GENDER, EMAIL ADDRESS at BIRTHDATE.
d) I-click ang "Register". Magpapadala ang POEA ng temporary password sa registered email.
e) Mag log-in (http://onlineservices.poea.gov.ph) gamit ang temporary password na ipinadala sa inyong registered email. Gumawa ng bagong password.
f) I-upload ang inyong litrato at ang bio-page ng inyong passport
g) Sa "My Profile", punuan ang required fields.

2. Papaano kumuha ng OEC?
2.1 Para sa mga Balik-Manggagawa o pabalik sa parehong employer
a) Log-in sa inyong POPS-BaM account
b) I-click ang "Balik Manggagawa" sa kanang bahagi ng Dashboard
c) Ilagay ang flight details, pindutin ang "Next"
d) I-click ang "Yes" sa tanong na "Are you going back to the same employer and the same position?"
e) I-click ang "Print OEC" sa tatlong (3) kopya at dalhin ito sa airport bago magbyahe pabalik sa bansang pinagtatrabahahuan.
2.2 Para sa mga nagbago ng employer o jobsite, at nagbago ng visa status
a) Mag-set ng appointment sa POLO gamit ang inyong POPS-BaM account
b) Log-in sa inyong POPS-BaM account
c) I-click ang "Balik Mangagawa" sa kanang bahagi ng Dashboard
d) Ilagay ang flight details at pindutin ang "Next"
e) Punuan ang Contract Details
f) I-click ang "Submit"
g) Piliin ang POLO Korea sa "Select Processing Location"
h) Piliin ang Appointment Schedule
i) I-print and appointment schedule
* Dalhin ang original at photocopy ng verified contract, valid passport at ARC sa pagpunta sa POLO

3. Sino ang Balik-Manggagawa?
Ayon sa POEA rules and regulations, and Balik Manggagawa ay ang OFW na nakapagtrabaho o patuloy na nagtatrabaho at magbabalik sa parehong employer at parehong lugar ng pagawaan, o magbabalik sa parehong employer at ibang lugar ng pagawaan.
Tumawag o mag-email sa 010-6591-6290/02-3785-3635 o labor@philembassy-seoul.com para sa inyong katanungan.
Para sa kaalaman at patnubay ng lahat. - END-

Other Announcements And Advisories


July 26, 2025
Listahan ng mga Kalahok sa MWO-OWWA Skills Training Program na Baking 101 sa August 2025

MAHALAGANG PABATID! Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BAKING 101” na gaganapin tuwing Linggo mula sa Agosto 3 hanggang Agosto 24, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM, sa 3rd Floor, MWO OWWA Bldg., likod ng Embahada.

Read More
July 23, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR AUGUST 2025

Those who have confirmed appointments with the Consular Section of the Embassy on these dates may walk in -- without an appointment -- on any other date, between Sunday and Thursday, from 9:30 am to 4:30 pm, during the month of August 2025. 

Read More
July 22, 2025
Eskwelahan sa Embahada 2025, 10 August 2025 (Sunday), Sentro Rizal Hall, 2/F Philippine Embassy in Seoul

ANNOUNCEMENT: The Embassy is pleased to invite Filipino children and children of Filipino multicultural families to the third Eskwelahan sa Embahada 2025 on Sunday, 10 August 2025 from 2:00 p.m. to 5:00 p.m. at the Sentro Rizal, 2/F, Philippine Embassy, Seoul.

Read More