EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

"BALIK SAYA PARA SA OFWS SA SOUTH KOREA HANDOG NG DMW-OWWA" AT "OFW GOT TALENT"


Ipinaabot po ng Embahada ang paanyaya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFW) at Filipino Community Organizations sa South Korea na makilahok sa gaganaping "Balik Saya Para sa OFWs sa South Korea Handog ng DMW-OWWA" at patimpalak na "OFW Got Talent" sa ika-26 ng Marso 2023 sa Seoul, South Korea.

Ang programang ito, na inilunsad sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, POLO-OWWA, at Seoul Filipino Catholic Community, ay naglalayong magbigay ng kasiyahan at kaalaman para sa kapakanan ng mga OFWs sa South Korea.

Upang makasali sa "OFW Got Talent", basahing mabuti ang kalakip na Contest Mechanics, at magpa-endorse sa isang Filipino Community Organization. Magpa-rehistro online sa https://form.jotform.com/230347785643059 mula ika-6 hanggang ika-20 ng Pebrero 2023.

Kung may katanungan, pakitawagan lamang po si Ms. Nica Somido o Ms. Joey Fiedacan ng POLO OWWA sa (02)3785-3635.

Sali na po, kabayan!

Other Announcements And Advisories


June 08, 2025
ANNOUNCEMENT ON THE NEW PHILIPPINE VISA POLICY FOR INDIAN NATIONALS

The Philippine Embassy in Seoul informs the public on the implementation of the following visa policies applicable to Indian nationals starting 08 June 2025:

Read More
June 03, 2025
Livelihood Skills Trainings at Health & Wellness Programs, July-December 2025

Muling inaanyayahan ng Embahada, MWO, at OWWA, ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa South Korea na makilahok sa pagpapatuloy ng Livelihood Skills Trainings at Health & Wellness Programs simula buwan ng Hulyo taong 2025!

Read More
May 29, 2025
Pistang Pinoy sa Korea 2025 - Parada ng Pistang Pinoy

Makisali sa Pistang Pinoy 2025! Sama-sama nating ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at Pambansang Araw ng Migranteng Manggagawa sa ika-8 ng Hunyo 2025, Linggo, mula alas-nuwebe y media ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon, sa Yeungjin University, Daegu City.

Read More