E-APOSTILLE INILUNSAD
Ipinababatid ng Philippine Embassy sa publiko na simula 19 Marso 2024 ang electronic Apostille (e-Apostille) ay maaari nang ma-isyu para sa mga dokumento o e-certificates na manggagaling sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa mga nangangailangan ng e-Apostille para sa mga dokumentong galing sa PSA, gaya ng Birth Certificate, Marriage Certificate o Certificate of No Marriage (CENOMAR), sundin po lamang ang mga hakbang na ito:
1. Mag-apply at magbayad para sa electronic certificate ng kanilang PSA civil registry document sa pamamagitan ng PSA Helpline link na ito: https://e-app1.apostille.gov.ph; at
2. Magbayad ng Php 200.00 para sa expedite fee ng e-Apostille sa pamamagitan ng link na ito: https://www.lbp-eservices.com/egps/portal/Transactions.jsp.
Ang e-Apostille na naglalaman ng digital signature ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs) ay ipapadala sa email ng aplikante o end-user pagkatapos ng kumpirmasyon mula sa PSA at ng kaukulang kabayaran. Lahat ng e-Apostilles ay maaaring ma-beripika sa pamamagitan ng digital signature at sa link na nakalagay sa cover letter ng e-Apostille at PSA e-certificate.
Ang Philippine apostilles ay maaari ding ma-beripika sa pamamagitan ng mga sumusunod na link:
Uri ng Apostille/Saan ma-beripika:
- e-Apostilles para sa Civil Registry Documents (e-Certificates) / e-Registry link para sa e-Apostilles:
https://e-app1.apostille.gov.ph/eAppVerification
-Apostilles para sa ibang Public Documents issued beginning December 2022 onwards / e-Registry link para sa Apostilles:
https://e-registry2023.apostille.gov.ph
- Iba pang mga Apostilles / Pagpapatunay sa pamamagitan ng email:
oca.verification@dfa.gov.ph
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin lamang po ang https://www.apostille.gov.ph/. END