EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

Frequently Asked Questions (FAQ): Hinggil sa Pagpabakuna sa COVID-19 sa Korea


21 July 2021- Nais iparating ng Pasuguan ng Republika ng Pilipinas sa Seoul sa Filipino community ang mga impormasyon hinggil sa madalas na katanungan tungkol sa pagbabakuna sa COVID-19 ng Republika ng Korea:

1. Sino ang sakop ng pagbakuna? - Ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay sumasakop sa lahat ng residente sa Republika ng Korea, kasama ang mga dayuhan, dokumentado man o hindi.



Hinihikayat ng gobyerno ng Korea na magpabakuna ang lahat ng residente sa Republic of Korea upang maprotektahan ang mga mamamayan mula sa COVID-19. Ang mga hindi dokumentadong residente ay hindi mahaharap sa anumang parusa kapag nagparehistro para sa pagpapabakuna.

2. Paano ine-schedule ang pagbabakuna? - Ayon sa anunsyo ng Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA), ang schedule ng pagbakuna pagkatapos ng priority target group (eg, medical personnel at chronically ill) ay batay sa edad at lugar ng residente.

3. Ano ang proseso para makapag-pabakuna? - Una, magpa-rehistro (o siguruhing nakarehistro) sa database ng sumasakop na public health center; Pangalawa, mag-apply para mabakunahan; Pangatlo, kunin ang kumpirmasyon ng inyong vaccination time, date, vaccine type at health center; at Pang-apat, mag report sa designated health center sa araw na itinakda at maghanda ng proper identification.

4. Sino-sino ang naka-schedule sa pagbakuna ngayong 3rd quarter 2021? Ayon sa pinakahuling anunsyo ng KDCA (kalakip dito), ang general schedule ngayong 3rd quarter of 2021 ay ang sumusunod:

Edad: 60 to 74 (kung nakansela ang pag-bakuna)
Petsa ng pag-rehistro: July 12-17
Petsa ng pag-bakuna: July 26-31

Edad: Edad 55 to 59
Petsa ng pag-rehistro: Buong linggo mula 12 July
Petsa ng pag-bakuna: Mula July 26

Edad: Edad 50 to 54
Petsa ng pag-rehistro: Buong linggo mula 19 July
Petsa ng pag-bakuna: Mula August 9

Edad: Edad 18 to 49
Petsa ng pag-rehistro: Simula August 2021 (Note: hintayin ang anunsyo para sa eksaktong petsa)
Petsa ng pag-bakuna: (Note: hintayin ang anunsyo)

5. Paano at saan maaaring magpa-rehistro para mabakunahan?

- Para sa mga may Alien Registration Number at National Health Insurance (NHIS), maaaring mag pa-rehistro sa http://ncv.kdca.go.kr o tumawag sa 1339 hotline.
- Para sa mga may Alien Registration Number ngunit walang NHIS, magparehistro sa database ng public health center o tumawag sa 1339 hotline.
- Para sa walang Alien Registration Number at walang NHIS, kailangan mag-apply ng temporary administration number at magparehistro sa pinakamalapit na public health center.

6. May bayad ba ang pagpapabakuna? - Wala. Ang pagpaparehistro para sa pagbabakuna at ang pagpapabakuna (1st and 2nd dose) ay walang bayad.

7. Sa kasalukuyan, ilan na ang nabakunahan sa Republika ng Korea? - Mayroon ng 16,291,956 residente ang nabigyan ng 1st dose vaccination; at 6,613,294 residente ang may kumpleto ng vaccination as of 19 July 2021.

Dahil ito ay general information lamang, ang lahat ay pinapayuhang alamin at kumpirmahin ang schedule at paraan ng pag-parehistro para sa bakuna BATAY SA EDAD, LUGAR NG TIRAHAN at VISA STATUS mula sa pinakamalapit o sumasakop na public health center.

Para sa karagdaang impormasyon, mangyaring bisitahin ang KDCA website (http://ncv.kdca.go.kr). Maari ring tumawag sa 1339 hotline o sumangguni sa pinakamalapit na health or local community center.

Para sa kaalaman at gabay ng lahat. END

Sources: MOFA NV OIG 2021-3989; https://ncv.kdca.go.kr/; http://kdca.go.kr

21 July 2021

Other Announcements And Advisories


September 09, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR OCTOBER 2025

Those who have confirmed appointments with the Consular Section of the Embassy on these dates may walk in -- without an appointment -- on any other date, between Sunday and Thursday, from 9:30 am to 4:30 pm, during the month of October 2025. 

Read More
September 08, 2025
BASIC BARISTA TRAINING sa ika-14, 21 at 28 ng Setyembre 2025

Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BASIC BARISTA TRAINING” na gaganapin sa Setyembre 14, 21 at 28, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM. Setyembre 14:  2nd Flr, Sentro Rizal, Philippine EmbassySetyembre 21 & 28: TBA Ito po ay LIBRE. Para sa karagdagang katanungan maaaring tumawag sa OWWA sa 010-6598-9338 / 010-5177-8777. Limited slots po ito kaya sa mga hindi po nakasali sa 2 Batches ay maghintay na lamang po ng susunod na taon. PAALALA, ang lahat po ng nasa listahan ay kailangang maka-attend sa Sept 14 upang makatuloy sa susunod na session. Maraming salamat po!

Read More
September 03, 2025
NOTICE OF RESUMPTION OF OVERSEAS VOTER REGISTRATION

Ikinalulugod ng Embahada ng Pilipinas sa Korea na ipahayag ang pagpapatuloy ng Overseas Voters Registration para sa 2028 Philippine Elections Overseas. Ang pagpaparehistro ng pagboto ay mula Disyembre 1, 2025 hanggang Setyembre 30, 2027.

Read More