EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (VALIDATION NG VACCINATION DOCUMENTS NG OFWs)


1.Sino ang maaaring magpa-validate ng vaccination documents sa POLO? Tanging ang fully vaccinated OFWs (documented o undocumented), at ang kasama nilang immediate family members (asawa, anak at/o magulang) lamang, na uuwi ng Pilipinas mula abroad ang maaaring magpa validate ng vaccination documents sa POLO.

2. Paaano maituturing na fully vaccinated na ang isang OFW?


Kapag natupad ang lahat ng mga sumusunod:

- Nakatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine (Philippine or WHO authorized) para sa mga 2-dose series o isang dose ng COVID-19 vaccine para sa single-dose series (Hal. Janssen).

- Namalagi sa "Green Countries" ng dalawang (2) linggo matapos matanggap ang 2-dose o 1-dose vaccination. Kabilang ang bansang South Korea sa mga itinuturing na "Green Countries."

3. Saan maaaring mag apply ng Vaccine Pass ang isang fully vaccinated OFW?

Mag-register online sa ONEHEALTH PASS PORTAL na may link na: https://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/.

4. Ano ang kailangan I-up-load na mga dokumento para ma-validate ng POLO ang vaccination pass?

- Vaccination Card Certificate, QR Code, o dokumento na na-issue ng host government;
- Valid Passport o Travel Document
- Proof of overseas employment (Hal.: Verified Employment Contract, OEC, OWWA Membership o anumang pagpapatunay ng employment na maaaring hingiin ng POLO.

5. Paano malalaman kung na-validate na ng POLO ang request na Vaccination Pass?

Mag-i-issue ang POLO, through portal, ng vaccine pass sa OFW. Ang POLO Vaccine Pass ay ipadadala electronically sa email address ng OFW na nag register sa ONEHEALTH PASS PORTAL.

6. Ano ang kahalagahan ng Vaccine Pass?

Magiging pitong (7) araw na lamang ang pamamalagi ng OFW sa facility-based quarantine at home quarantine naman para sa natitirang pitong (7) araw upang makumpleto ang kasalukuyang ipinatutupad na mandatory 14-day quarantine sa Pilipinas.

7. Mag-va-validate ba ang POLO ng vaccination document ng non-OFW at Foreign Nationals?

Hindi. Para sa mga non-OFWs at Foreign Nationals na uuwi/pupunta ng Pilipinas, ang kanilang vaccination documents ay ipapakita sa isang dedicated Bureau of Quarantine (BOQ) representative para sa verification ng Department of Transportation One-Stop-Shop (OSS).

Kung may karagdagang kayong katanungan hinggil sa paalalang ito, maaari kayong tumawag sa POLO sa numerong (02) 3785-3634 or 010-6591-6290 o maaari po kayong mag e-mail sa labor@philembassy-seoul.com.

Salamat po. END

20 July 2021

Other Announcements And Advisories


September 09, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR OCTOBER 2025

Those who have confirmed appointments with the Consular Section of the Embassy on these dates may walk in -- without an appointment -- on any other date, between Sunday and Thursday, from 9:30 am to 4:30 pm, during the month of October 2025. 

Read More
September 08, 2025
BASIC BARISTA TRAINING sa ika-14, 21 at 28 ng Setyembre 2025

Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BASIC BARISTA TRAINING” na gaganapin sa Setyembre 14, 21 at 28, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM. Setyembre 14:  2nd Flr, Sentro Rizal, Philippine EmbassySetyembre 21 & 28: TBA Ito po ay LIBRE. Para sa karagdagang katanungan maaaring tumawag sa OWWA sa 010-6598-9338 / 010-5177-8777. Limited slots po ito kaya sa mga hindi po nakasali sa 2 Batches ay maghintay na lamang po ng susunod na taon. PAALALA, ang lahat po ng nasa listahan ay kailangang maka-attend sa Sept 14 upang makatuloy sa susunod na session. Maraming salamat po!

Read More
September 03, 2025
NOTICE OF RESUMPTION OF OVERSEAS VOTER REGISTRATION

Ikinalulugod ng Embahada ng Pilipinas sa Korea na ipahayag ang pagpapatuloy ng Overseas Voters Registration para sa 2028 Philippine Elections Overseas. Ang pagpaparehistro ng pagboto ay mula Disyembre 1, 2025 hanggang Setyembre 30, 2027.

Read More