Isang Mahalagang Paalala Mula sa Philippine Embassy: Makilahok sa Pagseguro ng Integridad ng Balota!
Inaanyayahan ng Philippine Embassy ang lahat ng Pilipino sa South Korea na makiisa sa ikatatagumpay ng Overseas Absentee Voting at makilahok sa pagseguro ng integridad ng balota.
Ang OAV ay mula ika-10 ng Abril hanggang ika-10 ng Mayo 2010. Bukas sa publiko ang lahat ng proseso ng OAV, mula botohan hanggang bilangan. Nakahanda rin ang staff ng Philippine Embassy na magpaliwanag ng proseso kung sakaling may katanungan. Lahat ng gamit at proseso ng OAV ay alinsunod sa batas ng COMELEC. Inaanyayahan po ang lahat na bumoto, magmasid, at makilahok sa ikatatagumpay ng OAV. Ang pagpapalawak ng kaalaman at aktibong pakikilahok ay susi sa tagumpay ng halalan, nasa Pilipinas man o nasa Korea, Personal Voting man o Voting By Mail, automated man ang proseso o mano-mano. Bukas ang Philippine Embassy mula Linggo hanggang Biyernes, at sa Labor Day (ika-1 ng Mayo, Sabado), mula 9AM hanggang 6PM. Pwede ring bumoto sa ibang Sabado kung may appointment. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang website ng embahada sa www.philembassy-seoul.com o ang OAV hotline sa 010-8443-8968 / 2010elections@philembassy-seoul.com. Huwag nating palampasin ang pagkakataong ito na tuwiran tayong lumahok sa pagpili ng pamunuan nating magbibigay-direksyon sa Pilipinas sa susunod na anim na taon.