EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

MAHALAGANG PAALAALA SA PAGLALAKBAY KAUGNAY SA PINAPATUPAD NA ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE SA BUONG LUZON


Nais pong ipabatid ng Pasuguan ng Pilipinas sa ating mga kababayan sa South Korea ang mga sumusunod na panuntunan kaugnay sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon mula ika-17 ng Marso hangang ika-13 ng Abril:

• Ang mga OFWs, Balikabayans at mga banyaga ay pahihintulutang umalis (outbound passengers) mula sa Pilipinas ano mang oras mula sa alin mang paliparan sa Luzon. Kailangan lamang na magtutungo sa paliparan sa loob ng 24-oras nang kanilang pag-alis. Ang mga manlalakbay ay kailangang magpakita ng mga dokumento na magpapatunay ng kanilang pagbiyahe katulad ng electronic ticket o flight itinerary. Maaari lamang samahan ng isang tao patungo sa paliparan ang sinumang lalabas ng bansa at sila din ay kailangang magpakita ng kopya ng electronic ticket o flight itinerary;

• Ang mga Filipinong maglalakbay pabalik ng Pilipinas (inbound passengers) ay isasailalim sa mahigpit na immigration procedures at masusing Department of Health (DOH) triage at quarantine procedures.

• Alinsunod sa DOH triage, susundin ang mga sumusunod na alituntunin:

o Kung walang sintomas sa pag dating, ang manglalakbay ay ituturing na Person Under Monitoring (PUM) at susunod sa mahigpit na home quarantine procedure.

o Kung may sintomas sa pagdating, tulad ng lagnat, respiratory illness o diarrhea, ang manlalakbay ay ituturing na Patient Under Investigation (PUI), at bibigyan sya ng karampatang instructions ng DOH.

• Isaalang-alang na ang lahat ng uri ng pampublikong trasportasyon, maging panlupa, pangtubig o panghipapawid, mula at patungong Luzon ay pansamantalang suspendido hangang sa katapusan ng Enhanced Community Quarantine.

• Para sa mga OFWs na darating sa tatlong terminals sa Manila, maari kayong mag-avail ng transport assistance from OWWA sa mga sumusunod na ruta: Terminal to Dau (Pampanga), Terminal to Turbina (Calamba) at Terminal to different drop off points in Metro Manila. Magparehistro lamang sa OWWA counters sa airport terminal sa kanilang pagdating. Sa designated drop off points, maaring sunduin ang OFW ng isang kamag-anak dalhin lamang ang kopya ng ticket at passport ng susunduin upang maipakita sa check-points. Ang mga naturang OWWA Shuttle Buses ay tinakdang bumiyahe mula sa NAIA ng 7:00am, 12:00nn at 6:00pm. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang:

https://owwa.gov.ph/index.php/news/central/92-announcement-libreng-sakay-para-sa-mga-ofws

https://www.facebook.com/OWWAofficial/photos/pcb.2609157726028843/2609155876029028/•type=3&theater

SPECIAL ENTRY PROCEDURE PARA SA LAHAT NG PAPASOK NG KOREA

• Ang bansang South Korea ay nagpapatupad ng Special Entry Procedure para sa lahat ng papasok sa bansa. Ang lahat na darating na manlalakbay ay sasailalim sa fever check at kailangang ding magfill-up ng Health Declaration at Travel Record Declaration forms na ibibigay pagdating sa paliparan sa Korea. Hihingan din ang lahat ng manlalankbay ng address at telephone number dito sa Korea, at ang sinomang hindi makapagbigay nito ay maaring hindi payagang makapasok ng Korea. Bukod dito, kailangan din ng mga manlalakbay na mag-install ng "Self Diagnosis App" sa kanilang mga smartphones upang masubaybayan ang lagay ng kanilang kalusugan. Kung magpakita ng alin man sa sintomas ng COVID-19, aatasan ang Korea Center for Disease Control and Prevention (KCDC) at ang lokal na pamahalaan para sa karampat na aksyon.

Ang lahat ay pinapayuhan na planuhin ang kanilang mga biyahe nang naaayon sa nasabing mga panuntunan at palagiang makibalita upang malaman ang pinakahuling panuntunan sa paglalakbay. END


20 Marso 2020

Other Announcements And Advisories


April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More
April 19, 2025
SCHEDULE OF FIELD AND MOBILE OVERSEAS VOTING ACTIVITIES FOR THE 2025 NATIONAL ELECTIONS

The Philippine Embassy in Seoul informs the Filipino Community in South Korea and Mongolia on the following schedule of Field and Mobile Overseas Voting activities for the 2025 National Elections.

Read More