EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

MAHALAGANG PAALALA TUNGKOL SA CONSULAR SERVICES AT PAG-IINGAT SA COVID-19


Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Seoul at mga kalapit na lugar, narito ang ilang paalala mula sa Pasuguan ng Pilipinas:

Digital Thermal Imaging Scanner sa lobby ng Pasuguan ng Republika ng Pilipinas1. Ang mga taong may transaksyon lamang ang maaaring pumasok sa loob ng Embahada at hindi na kinakailangang magsama pa ng iba (kaibigan man o kamag-anak), maliban na lamang kung sila ay kasama ng: (1) aplikanteng menor de edad, o (2) mga taong may kapansanan o persons with disability (PWD).



2. Para sa kapakanan ng nakararami, lahat ng aplikante ay kinakailangang magsuot ng face mask sa loob ng Embahada.

3. Lahat ng aplikante ay kinakailangang dumaan sa digital thermal imaging scanner sa lobby bago magpatuloy sa loob ng Embahada. Ang mga aplikanteng may temperatura na 37.5째Celcius pataas ay hindi maaaring magpatuloy.

4. Kung kayo ay nakakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19, kaagad na magpa-test sa pinakamalapit na Testing Center sa inyong lugar.

Ang Embahada ay bukas mula Linggo hanggang Huwebes, mula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at mula 1:00 ng hapon hanggang 3:00 ng hapon.

Umaasa ang Pasuguan ng Pilipinas sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan.

Maraming Salamat po.

09 June 2020

Other Announcements And Advisories


May 04, 2025
Notice of Canvassing for the 2025 Philippine National Elections

Please be notified that the Philippine Embassy in Seoul will conduct the Canvassing for the 2025 National Elections on:

Read More
April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More