EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

Mensahe ng Ambassador - Christmas 2016


Mga minamahal kong kababayan,

Kaisa ng inyong mga kaibigan sa Embahada ng Pilipinas, nais kong ipabaot ang aking mainit na pagbati para sa isang maligaya, mapayapa, at makabuluhang Pasko at Bagong Taon sa lahat ng Filipino at kaibigan ng Pilipinas sa South Korea.

Ang taong 2016 ay nagdala ng madaming pagbabago sa ating bansa. Sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Rodrigo R. Duterte, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay patuloy na itinataguyod ang pag-unlad ng ekonomiya, seguridad, at kapayapaan habang nilalabanan ang katiwalian at ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.

Nais kong ipaabot ang aking lubos na pasalamat sa mga Filipino sa South Korea para sa inyong suporta at pakikipagtulungan sa Embahada. Kayo ang inspirasyon sa patuloy naming pagsusumikap na maghatid ng mahahalagang serbisyo at paglilingkod upang makamit ang mga mithiin ng bansa.

Ngayong Kapaskuhan, hinihikayat ko ang aking mga kababayan na gunitain at ipagpasalamat ang mga biyaya na ating natanggap nitong nakalipas na taon. Nawa�?y tuloy-tuloy na pagpalain ng ating Poong Maykapal ang Pilipinas at ang sambayanang Filipino.

Muli, isang maligayang Pasko at manigong Bagong Taon po sa ating lahat.

Sumasainyo,



RAUL S. HERNANDEZ
Ambassador


Other Announcements And Advisories


December 03, 2025
JOB VACANCY ANNOUNCEMENT: Project Term Personnel (PTP) for the Overseas Voter Registration

The Philippine Embassy in Seoul is now accepting applications for the position of Project Term Personnel (PTP) for the Overseas Voter Registration for the 2028 Philippine National Elections. The detailed job description, required qualifications and skills for the position are enumerated as follows:

Read More
December 02, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR DECEMBER 2025 and JANUARY 2026

Those who have confirmed appointments with the Consular Section of the Embassy on these dates may walk in -- without an appointment -- on any other date, between Sunday and Thursday, from 9:30 am to 4:30 pm.

Read More
November 26, 2025
ADVISORY: WARNING AGAINST ILLEGAL LOAN-SHARKING SCHEMES TARGETING FOREIGN WORKERS

The Philippine Embassy, through its Migrant Workers Office (MWO) in Korea, wishes to inform all Overseas Filipino Workers of a recently uncovered large-scale illegal loan-sharking operation that victimized more than 9,000 foreign workers across the country.

Read More