EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

MGA UPDATE TUNGKOL SA 2025 PAMBANSANG HALALAN SA IBAYONG DAGAT SA PAMAMAGITAN NG ONLINE VOTING AND COUNTING SYSTEM



Eng_OVS2.jpg 273.99 KB

PAALALA: ITO AY PARA LAMANG SA MGA PILIPINONG REHISTRADONG OVERSEAS VOTERS. NAGTAPOS NA PO ANG HULING ARAW NG OVERSEAS VOTER REGISTRATION.

Ang mga rehistradong overseas Filipino voters ay hinihikayat na mag-enroll sa Overseas Voting and Counting System (OVCS) simula ika-20 Marso 2025 (Huwebes) hanggang ika-07 ng Mayo 2025 (Miyerkules) upang makaboto.


  • 20 Marso 2025, Huwebes

- Simula ng Pre-Voting Enrollment Period

- Simula ng Test Voting


  • 12 Abril 2025, Sabado

- Huling araw para sa Test Voting


  • 13 Abril 2025, Linggo

- Simula ng Overseas Voting Period (8:00 AM, Korean Standard Time)


  •  07 Mayo 2025, Miyerkules

- Huling araw ng Pre-Voting Enrollment


  •  12 Mayo 2025, Lunes

- Pagtatapos ng Overseas Voting Period (7:00 PM, Philippine Standard Time / 8:00 PM, Korean Standard Time)


Narito ang mga alituntunin para sa online overseas voting na dapat sundin ng mga rehistradong botante:

  • Gamit ang inyong internet-capable device na may camera katulad ng kompyuter, smart pad o mobile phone, o ang kiosk na ilalagay sa Embahada, mag-sign up gamit ang official link para sa pre-voting enrollment na ibibigay ng COMELEC simula ika-20 ng Marso 2025;
  • Sundin ang instruksyon na nakalagay sa official link;
  • Kapag nakumpleto na ang pre-voting enrollment, ang mga overseas voters ay maaaring magsagawa ng Test Voting para maging pamilyar sa online voting system hanggang ika-12 ng Abril 2025;
  • Ang lahat ng naka-enroll na botante ay maaaring bumoto online sa loob ng Overseas Voting period na may tatlumpung (30) araw.

Ang Overseas Voting period ay magsisimula sa ika-13 ng Abril 2025 (Linggo)  at magtatapos sa ika-12 ng Mayo 2025 (Lunes), 7:00 ng gabi oras sa Pilipinas katumbas ng 8:00 ng gabi oras ng Korea.

Maraming salamat po!

Other Announcements And Advisories


May 06, 2025
EXTENSION OF ENROLLMENT PERIOD PARA SA INTERNET VOTING NG OVERSEAS VOTERS HANGGANG 10 MAY 2025

Good news para sa mga kakabayan nating Overseas Voters! Ayon sa direktiba ng Commission on Elections, ang enrollment period para sa internet o online voting ay extended hanggang May 10, 2025 na! I-scan lamang po ang QR Code o magpunta sa https://ov.comelec.gov.ph/enroll upang maka pre-enroll. Ang mga pre-enrolled Overseas Voters ay maaaring bumoto online sa https://ov.comelec.gov.ph/vote hanggang May 12, 2025, 7:00 PM Philippine Time. Maraming salamat po.

Read More
May 04, 2025
Notice of Canvassing for the 2025 Philippine National Elections

Please be notified that the Philippine Embassy in Seoul will conduct the Canvassing for the 2025 National Elections on:

Read More
April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More