EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAALA-ALA: PAGHIHIGPIT SA PAGDALA NG ANIMAL/LIVESTOCK PRODUCTS PAPASOK NG SOUTH KOREA


Muli pong pinapaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Korea ang ating mga kababayang Filipino tungkol sa paghihigpit sa pagdadala o pagpasok ng mga animal/livestock products sa bansang South Korea. Ito ay alinsunod sa kanilang ipinatutupad na regulasyon na Act on the Prevention of Contagious Animal Disease, at ayon na rin sa mga paunawa na inilathala ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan ng South Korea. Ang mga nasabing pinaghihigpitang animal/livestock products ay kinakailangang ideklara at ireport sa quarantine office ng paliparan o daungan sa inyong pagdating. Ang sinumang hindi makagawa nito ay maaring mapatawan ng multa ng hangang \10,000,000.00 at ang hindi makabayad ng multa ay maaring hindi pahintulutang makapasok sa South Korea.

Ipinabatid sa Embahada na noong 21 Oktubre 2019, isang biyahero ang napatawan ng limang (5) taong entry ban pagkatapos niyang hindi makabayad ng \5,000,000.00 multa sa kanyang pagdala ng pork sausage sa airport. Ito ay nagpapatunay kung gaano kahigpit ang awtoridad sa pagpapatupad ng regulasyong ito.

Mga kababayan, kung kayo ay magtutungo sa South Korea, bilang isang turista, manggagawa o maging residente man, maaari pong huwag nang magdala ng alinman sa mga pinaghihigpitang animal/livestock products para maiwasan natin ang abala. Ang lahat ng hand-carry at checked-in luggage ay dadaan sa masusing security screening sa mga airports. END

Other Announcements And Advisories


May 04, 2025
Notice of Canvassing for the 2025 Philippine National Elections

Please be notified that the Philippine Embassy in Seoul will conduct the Canvassing for the 2025 National Elections on:

Read More
April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More