EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

Paalala sa Foot and Mouth Disease


Pinapaalalahanan ang mga Pilipino sa South Korea, lalo na ang mga nakatira malapit o nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, na mag-ingat sa lumalaganap na Foot and Mouth Disease (FMD).

Ang FMD, bagaman napakadalang malipat sa tao, ay nakamamatay. Kadalasang nahahawa ang mga direktang humahawak ng apektadong hayop gaya ng baboy, baka, kambing o kabayo. Maaari ding mahawa sa taong maysakit. Kasama sa sintomas ang lagnat, singaw sa bibig at pagsuka. Malaki ang epekto ng FMD sa agrikultura dahil sa bilis nitong pagkalat sa hayop. Kadalasang pinapatay ang daan-daang hayop para maiwasan ang pagkalat nito. Pansamantala ring tinitigil ng ibang bansa ang pag-import ng karne mula sa mga apektadong bansa. May mga naulat nang FMD sa Cheongju, Gyeonggi, Gimpo at Ganghwa. Huling nagkaroon ng FMD sa South Korea noong 2000 at 2002.

Other Announcements And Advisories


January 16, 2026
ABISO UKOL SA DALAWANG MAGKAHIWALAY NA SUNOG SA SEOUL AT LALAWIGAN NG GYEONGGI, IKA-16 ENERO 2026

Read More
January 16, 2026
Pahayag Ukol sa Aksidente sa Bus sa Seodaemun-gu, Seoul, ika-16 Enero 2026

Read More
January 15, 2026
2025 SPECIAL VOLUNTARY DEPARTURE PROGRAM (SVDP) PARA SA MGA UNDOCUMENTED FOREIGN RESIDENTS

Para sa: Lahat ng Foreign Residents na Walang Legal na Status (Undocumented) Ang Ministry of Justice ng South Korea ay naglulunsad muli ng "Special Voluntary Departure Program" (SVDP) para sa mga dayuhang residente na walang legal na status (undocumented) na nais kusang umalis sa South Korea sa itinakdang panahon. Ito ay nagsimula noong  Disyembre 1, 2025(Lunes) hanggang Pebrero 28, 2026(Sabado). MGA BENEPISYO (BENEFITS):

Read More