PAALALA SA MGA NAGNANAIS MAGING SEASONAL WORKER SA SOUTH KOREA
Ipinaaalala ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO), na dalawa (2) ang legal na paraan upang makapagtrabaho bilang Seasonal Worker sa Republika ng Korea:
• Sa pamamagitan ng LGU-to-LGU Agreement sa pagitan ng isang Local Government Unit sa Pilipinas at isang lokal na pamahalaan sa Korea; o
• Sa pamamagitan ng Family Invitation Program, alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng pamahalaan ng Korea.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa mga indibidwal, grupo, o ahensyang nangangako ng trabaho o nag-aalok ng mabilis na pagproseso kapalit ng bayad. Ang mga ganitong gawain ay maaaring may kaugnayan sa illegal recruitment o panloloko.
Para sa wastong impormasyon at beripikasyon, mangyaring tingnan ang mga contact details o makipag-ugnayan sa Migrant Workers Office (MWO) o sa Department of Migrant Workers (DMW):
Korea Hotlines:
Migrant Workers Office – Overseas Workers Welfare Administration:
MWO Telephone No.: +82 02-3785-3634
MWO Hotline: +82 10-6591-6290
ATN Hotline: +82 10-2179-5536
OWWA Telephone No.: +82 02-3785-3635
OWWA Hotline: +82 10-6598-9338
Philippine Embassy:
Philippine Embassy ATN Hotline: +82 10-9263-8119
Email Address:
labor@philembassy-seoul.com
Philippine Hotlines:
Department of Migrant Workers (DMW) Hotline:
+63 (02) 8-722-11-44 / 8-722-11-55
DMW Migrant Workers Protection Bureau (MWPB)
+63 (02) 8721-06-19
Pre-Employment and Government Placement Bureau (PEGPB)
+63 (02) 8722-11-77
Email Address:
repat@dmw.gov.ph
pegpb@dmw.gov.ph
August 12, 2026
August 06, 2026
July 30, 2026
