EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAALALA SA PAGPAPA-UPDATE NG MGA FILIPINO COMMUNITY ORGANIZATIONS SA SOUTH KOREA


Pinapaalalahanan ng Embahada ng Republika ng Pilipinas ang lahat ng Filipino Community Organizations sa South Korea na i-update ang kanilang registration status at isumite ang listahan ng mga halal o itinalagang pinuno sa https://bit.ly/filcomupdate2023 bago mag-ika-31 ng Disyembre 2023.

Ang mga samahang hindi mag-update ng kanilang registration status ay maaaring mailista bilang "inactive" at hindi makatanggap ng mga paanyaya, anunsyo o mga mahahalagang impormasyon mula sa Embahada. Mahalaga ang pagiging aktibo ng bawat samahan upang masiguro ang maayos na daloy ng komunikasyon at suporta sa ating komunidad, lalo na sa mga panahon ng sakuna o emergency.


Ang mga nais magparehistro bilang Filipino Community Organization ay maaaring magsumite ng mga requirements sa http://www.philembassy-seoul.com/filipino_community.asp. Para sa karagdagang katanungan at detalye, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa consular@philembassy-seoul.com.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.

Bisitahin lamang po ang link na ito https://seoulpe.dfa.gov.ph/images/2023/120323_Registered_FILCOM.pdf para sa buong listahan ng FilCom sa South Korea

Other Announcements And Advisories


September 09, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR OCTOBER 2025

Those who have confirmed appointments with the Consular Section of the Embassy on these dates may walk in -- without an appointment -- on any other date, between Sunday and Thursday, from 9:30 am to 4:30 pm, during the month of October 2025. 

Read More
September 08, 2025
BASIC BARISTA TRAINING sa ika-14, 21 at 28 ng Setyembre 2025

Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BASIC BARISTA TRAINING” na gaganapin sa Setyembre 14, 21 at 28, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM. Setyembre 14:  2nd Flr, Sentro Rizal, Philippine EmbassySetyembre 21 & 28: TBA Ito po ay LIBRE. Para sa karagdagang katanungan maaaring tumawag sa OWWA sa 010-6598-9338 / 010-5177-8777. Limited slots po ito kaya sa mga hindi po nakasali sa 2 Batches ay maghintay na lamang po ng susunod na taon. PAALALA, ang lahat po ng nasa listahan ay kailangang maka-attend sa Sept 14 upang makatuloy sa susunod na session. Maraming salamat po!

Read More
September 03, 2025
NOTICE OF RESUMPTION OF OVERSEAS VOTER REGISTRATION

Ikinalulugod ng Embahada ng Pilipinas sa Korea na ipahayag ang pagpapatuloy ng Overseas Voters Registration para sa 2028 Philippine Elections Overseas. Ang pagpaparehistro ng pagboto ay mula Disyembre 1, 2025 hanggang Setyembre 30, 2027.

Read More