PAALALA TUNGKOL SA PAG-A-APPLY PARA SA RENEWAL NG E-PASSPORTbioclavid wiki bioclavid pris bioclavid til hunde
Pinapayuhan po ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul ang publiko na ipinatutupad nito ang online appointment system para sa renewal ng e-passports.
Kinakailangan ng mga aplikante na gumawa ng appointment schedule sa pamamagitan ng pag-log-on sa http://www.philembassy-seoul.com . I-click ang appointment system link. Para sa mga hindi makapag-access sa internet, maaari pong tumawag at humingi ng schedule sa 010-9385-0525. Hintayin lamang po ang kumpirmasyon sa susunod na business day. Ang serbisyo pong ito ay libre. Ang mga applikasyon ng mga aplikante na walang appointment schedule (walk-in applicants) ay maaaring maproseso depende sa mga sirkumstansya ng aplikante at sa dami ng aplikante na matatanggap ng Embahada. Maari lamang pong maghintay na matapos ang pagproseso ng mga aplikasyon ng may appointment. Maraming salamat po.