PAALALA UKOL SA MGA PERSONAL NA DOKUMENTO

Nagpapaalala po ang Embahada ng Pilipinas sa Seoul sa ating mga kababayan dito sa South Korea na huwag kalimutang dalhin ang mga mahahalagang personal na dokumento, tulad ng pasaporte o Alien Registration Card (ARC), tuwing lumalabas ng bahay, paaralan, opisina o mga pagawaan, at higit sa lahat kapag naglalakbay.
Panatilihing may bisa ang lahat ng mga personal na dokumento at huwag hintaying mapaso ang mga ito bago mag-apply ng renewal o pagpapalawig (extension), lalo na kung ang mga prosesong pagdaraanan ay hindi agaran at aabutin ng ilang araw o linggo bago matanggap ang bagong dokumento.
Para naman po sa mga EPS workers na nabigyan ng special one-year extension of stay at hindi natatakan ang ARC, siguraduhin ding may kopya kayo ng inyong Certificate of Visa Extension mula sa Jumin Center via online, o di kaya ay may screenshot ng inyong status of period of stay mula sa HiKorea website. -END-