EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAKIKIPAGPULONG NI PRESIDENTE RODRIGO ROA DUTERTE SA FILIPINO COMMUNITY SA SOUTH KOREA


Malugod pong pinapaalam ng Pasuguan ng Pilipinas sa ating mga mahal na kababayan sa South Korea na ang ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa paanyaya ng Pangulong Moon Jae-in, ay magsasagawa ng kanyang unang opisyal na pagdalaw sa South Korea mula 03 hangang 05 June 2018.

Sa kanyang opisyal na pagdalaw, ang ating mahal na Pangulo ay magkakaroon ng pakikipagpulong sa Filipino Community dito sa South Korea sa 03 June, Linggo, sa Convention Hall ng Grand Hilton Seoul, 353, Yeonhui-ro, Seodaemun-gu, Seoul.

Walang bayad ang pagdalo sa naturang pagpupulong.

Para makadalo, kinakailangang magpatala sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Embahada. Amin pong pinapaalala sa lahat na ang pagpapatala ay bukas lamang at limitado sa kapasidad ng Convention Hall na 2,200 na katao. Para sa katanungan patungkol sa pagpapatala, maaring mag-email sa POLO sa prrdinseoul2018@gmail.com.

Magpapadala ang POLO ng confirmation email sa mga magpapatala. Sa araw ng pagpupulong, upang makapasok sa Convention Hall, ang lahat ng nagpatala ay hihilingin na magdala ng identification (ID) at bukod dito ay ipapakita din ang confirmation email sa registration desk.

Narito ang ilang mga paala-ala patungkol sa gaganaping pagpupulong:

• Magbubukas ang lugar na pagdadausan ng pagpupulong mula 12:00 ng tanghali hangang 2:00 ng hapon.
• Magkakaroon ng pangunang programa mula 2:00p.m. hangang 4:00p.m. na susundan ng pangunahing programa na magtatapos ng 5:30p.m.
• Ang pamunuan ng Grand Hilton Seoul ay maglalaan ng shuttle service mula Hongje Station simula 12:00 ng tanghali. Magtatalaga din ng mga ushers sa station upang umagapay sa mga kababayan nating nagnanais sumakay ng shuttle.
• Maglalaan din ng libreng paradahan ng mga sasakyan at bus sa Grand Hilton Seoul. Para sa mga nagnanais magdala ng sasakyan at gagamit ng libreng paradahan, maari pong ipagbigay alam lang sa Embahada at mag-email sa seoulpe@philembassy-seoul.com hangang Huwebes, 31 May 2018. Ilakip sa email ang sumusunod na impormasyon: plate number, car/bus model, pangalan ng driver at contact information.
• Magkakaroon ng security check sa lugar na pagdadausan ng pagpupulong.
• Hindi papahintulutan ang pagdadala ng backpack, malalaking bag, water containers, selfie sticks, at banners sa loob ng Convention Hall. Maari lang magdala ng maliit ng bag (na hindi lalaki sa 10inches x 6 inches x 2 inches), wallet, cellphone at mga personal na pangangailangan.
• Dress code: business casual. Hindi maaring magsuot ng sirang maong na pantalon, plunging necklines, see-through apparel, tank tops, tube tops, crop tops. leggings, mini skirt, at tsinelas. Hindi rin papahintulutan ang magsuot ng makakapal na jackets, caps,at sumblero
• Hindi rin maaring magdala ng kahit ano pa mang pagkain at inumin maliban na lamang sa ihahanda ng Grand Hilton Seoul.
Maraming salamat po at nawa'y magkikita tayo kasama ng ating mahal na Pangulo.

Other Announcements And Advisories


September 09, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR OCTOBER 2025

Those who have confirmed appointments with the Consular Section of the Embassy on these dates may walk in -- without an appointment -- on any other date, between Sunday and Thursday, from 9:30 am to 4:30 pm, during the month of October 2025. 

Read More
September 08, 2025
BASIC BARISTA TRAINING sa ika-14, 21 at 28 ng Setyembre 2025

Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BASIC BARISTA TRAINING” na gaganapin sa Setyembre 14, 21 at 28, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM. Setyembre 14:  2nd Flr, Sentro Rizal, Philippine EmbassySetyembre 21 & 28: TBA Ito po ay LIBRE. Para sa karagdagang katanungan maaaring tumawag sa OWWA sa 010-6598-9338 / 010-5177-8777. Limited slots po ito kaya sa mga hindi po nakasali sa 2 Batches ay maghintay na lamang po ng susunod na taon. PAALALA, ang lahat po ng nasa listahan ay kailangang maka-attend sa Sept 14 upang makatuloy sa susunod na session. Maraming salamat po!

Read More
September 03, 2025
NOTICE OF RESUMPTION OF OVERSEAS VOTER REGISTRATION

Ikinalulugod ng Embahada ng Pilipinas sa Korea na ipahayag ang pagpapatuloy ng Overseas Voters Registration para sa 2028 Philippine Elections Overseas. Ang pagpaparehistro ng pagboto ay mula Disyembre 1, 2025 hanggang Setyembre 30, 2027.

Read More