PATNUBAY SA ESPESYAL NA COVID-19 PREVENTION MEASURES SA PANAHON NG LUNAR NEW YEAR HOLIDAY

27 January 2022, Seoul - Dahil sa pagtaas ng bilang ng daily COVID19 cases nitong mga nakaraang araw, nais ibahagi ng Embahada ang kalakip na Special COVID-19 Prevention Measures na ipinadala ng Ministry of Employment and Labor (MOEL) para sa kaalaman ng lahat, kasama na ang mga EPS workers.
Hinihikayat ang lahat na basahin ang patnubay na ito, at higit na mag-ingat at patuloy na makiisa sa mga sumusunod upang makaiwas sa COVID-19 at omicron virus:
-Hangga't maaari, iwasan at ipag-paliban muna ang pagbyahe, pagbisita o pamamasyal sa panahon ng Lunar New Year holidays
- Kung hindi ito maiiwasan, siguruhing kayo ay bakunado (hanggang booster shot), maliit na grupo lamang ang makakasama, at iwasan munang makasama ang mga hindi bakunado.
- Sa pagbyahe man o pag-sama sama:
o ugaliing gumamit ng mask
o huwag magtagal sa mga service stations at mga lugar ng kainan
o iwasan ang masikip at mataong lugar
o palagiang maghugas ng kamay
o iwasan ang pag-gamit sa multi-use facilities
o kung maari ay umiwas munang gumamit ng public transportation
- Pagkatapos bumalik mula sa byahe, iwasan munang gumamit ng multi-use facilities, manatilihing nasa bahay, at boluntaryong magpa-PCR test kung kailangan, lalo na kung may nararamdaman, bago kayo bumalik sa regular ng pagawaan.
Hinihikayat rin ang lahat na magpa-booster shot ayon sa nararapat na schedule.
Inaasahan namin ang inyong patuloy na pakiki-isa, at nawa'y maging ligtas ang lahat.
-END-