EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAUNAWA SA PUBLIKO: "ONLINE BANK PAYMENT" Ilulunsad sa Embahada ng Pilipinas


Malugod na ipinababatid sa publiko ng Embahada ng Pilinas sa Seoul na mula ika-01 ng Mayo 2024 ay maari nang gumamit ng "ONLINE BANK PAYMENT" sa pagbabayad ng mga serbisyong konsular sa Embahada. Ito ay kaugnay ng layunin ng pamahalaan ng Pilipinas na pakinabangan ang pag-unlad ng teknolohiya at palawigin ang paraan ng pagbabayad nang hindi gumagapit ng pisikal na salapi.

Narito ang patakaran sa pag-gamit ng ONLINE BANK PAYMENT sa Embahada:



(1) Pagkatapos ng processing ng inaaplayang serbisyong konsular, maaaring pilliin ng aplikante sa kalakip na invoice ang Online Bank Payment.

(2) Ibibigay ng Collecting Officer o Cashier sa aplikante ang kumpletong detalye
ng bangko ng Embahada kung saan maaring maglipat ng pondo (online transfer) bilang pambayad sa naturang serbisyo sa tamang halaga.

(3) Patutunayan ng Collecting Officer na ang tamang kabayaran ay pumasok na sa bank account ng Embahada at magbibigay ng opisyal na resibo sa aplikante.

Sa darating na hinaharap, ipinapanukala rin ng Embahada ang pagtanggap ng bayad sa pamamagitan ng "credit" at "debit" card, upang palawakin pa ang pamamaran ng pagbabayad nang tiyak, ligtas at mabilis para sa mga aplikante.
---------------
PAALALA: Ang lahat ay pinapaalalahanan na maging maingat sa paggamit ng "Online Bank Payment" dahil sa umiiral na tagubilin na "No Refund" sapagkat lahat ng aplikasyong naproseso at binayaran na ay itinuturing na serbisyong ganap at kumpleto na.

Maari lamang pong bisitahin ang link na ito https://seoulpe.dfa.gov.ph/images/2024/NOTICE_Online_Payment_for_Consular_Services.pdf o kaya ay bisitahin and official Facebook at Instagram page ng Embahada @PHinKorea para sa kabuuang anunsyo.

Maraming Salamat po.

Other Announcements And Advisories


April 13, 2025
ADVISORY ON COMELEC RESOLUTION NO. 11082 RE: GUIDELINES FOR ACCREDITATION OF MASS MEDIA ENTITIES, ELECTION OBSERVERS OR MONITORS, AND CIVIL SOCIETY PARTNERS

Read More
April 08, 2025
2025 National Elections Overseas Voting NOTICE OF FINAL LOCKDOWN AND SEALING

Please be notified that the Philippine Embassy in Seoul, South Korea will conduct the Final Lockdown and Sealing of Online Voting and Counting System to be used for overseas voting on:

Read More
April 06, 2025
10 DAYS TO GO BEFORE THE START OF THE 2025 OVERSEASING VOTING PERIOD!

10 days to go before the start of the 2025 OVERSEASING VOTING PERIOD! All registered and active Overseas Voters in South Korea must complete the pre-voting enrollment until 07 May 2025 only. This is required to verify your identity and ensure access to the Online Voting and Counting System (OVCS) or online voting during the official Overseas Voting period which will open on 13 April 2025, 8:00 AM KST, and close on 12 May 2025, 8:00 PM KST. Click https://ov.comelec.gov.ph/enroll to Pre-Enroll!!

Read More