PHILIPPINE EMBASSY ONLINE APPOINTMENT SYSTEM
The Philippine Embassy is pleased to inform the Filipino Community in South Korea that effective Sunday, 28 January 2018, passport renewal appointment slots for Sundays have been increased to 100.
With the increase in the number of applicants brought about by the recent implementation of the extension of the validity of Philippine passports to 10 years, the Philippine Embassy requests applicants who wish to renew their passports on a Sunday to secure an online appointment through the Philippine Embassy website at https://www.philembassy-seoul.com.On Sundays, the Embassy will prioritize and accommodate applicants with online appointments, and therefore, due to time constraints, may not be able to process passport applications from walk-ins. Please take note that the Embassy processes passport applications starting from 9:00am until 4:00pm only.
Passport applicants who could not get an online passport renewal appointment on a Sunday are advised to visit the Embassy from Monday to Thursday to file their passport applications.
Passport applicants who are senior citizens, pregnant, and children below seven years old are not required to secure online appointment.
PASSPORT ONLINE APPOINTMENT SYSTEM NG EMBAHADA
Malugod pong pinapaalam ng Pasuguan ng Pilipinas sa ating mga mahal na kababayan sa South Korea na simula sa Linggo, ika-28 ng Enero 2018, ang bilang ng mga appointment slots para sa passport applications na tatanggapin bawat Linggo ay itinaas sa 100.
Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga aplikante dulot ng pagpapalawig ng bisa ng pasaporte ng Pilipinas hanggang sa sampung taon, iminumungkahi ng Pasuguan ng Pilipinas sa lahat ng nais mag-renew ng pasaporte na magpatala o magtakda ng kanilang appointment sa website ng Pasuguan, http://www.philembassy-seoul.com.
Tuwing araw ng Linggo, bibigyan ng prioridad ng Pasuguan ang mga aplikante na may appointment. Dahil sa kakulangan sa oras, ang mga aplikante na walk-in ay hindi mabibigyan ng ukol na serbisyo. Nais din ipaalala ng Pasuguan na ang pagproseso ng passport applications ay nagsisimula ng alas-9 ng umaga at nagtatapos ng alas 4-ng hapon.
Para sa mga kababayan na hindi makakuha ng appointment para sa araw ng Linggo, maaring bimisita sa Pasuguan mula Lunes hanggang Huwebes upang magpa-renew ng pasaporte.
Ang mga senior citizens, nagdalang tao o buntis, at mga bata na hindi hihigit sa 7 taong gulang, ay hindi na kailangang magpa-appointment.