EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

SOUTH KOREA'S "SOCIAL DISTANCING" CAMPAIGN


Nakikiisa ang Philippine Embassy sa lahat ng ating kababayan sa South Korea sa pagsunod at pagsuporta sa SOCIAL DISTANCING na ipinapatupad ng pamahalaan ng Korea upang malabanan ang paglaganap ng COVID-19. Ang kampanya ay mahigpit na ipinapatupad hanggang sa ika-5 ng Abril.

Mangyari lamang na alalahanin ang mga sumusunod:

1. Ipagpaliban ang pagbiyahe, pagtitipon-tipon at hindi kailangang paglabas ng tirahan.

2. Sa mga empleyado, bumalik agad sa tirahan pagkatapos ng trabaho.

3. Sa mga may sintomas (ubo, lagnat, sore throat, nananakit na kalamnan), tumawag sa 1345 at huwag makihalubilo sa iba.

4. Umiwas sa pisikal na pakikipag-ugnayan kagaya ng pagkamay, at panatiliin ang 2-metrong layo sa isa't isa.

5. Araw-araw na i-disinfect at pahanginan ang inyong lugar.

6. Sundin ang mga alituntunin para sa pansariling kalinisan tulad ng palagiang paghuhugas ng mga kamay.
Ang ating pakikipagtulungan sa pamahalaan at pamayanan ay mahalaga upang magtagumpay laban sa COVID-19. END


24 March 2020

Other Announcements And Advisories


April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More
April 19, 2025
SCHEDULE OF FIELD AND MOBILE OVERSEAS VOTING ACTIVITIES FOR THE 2025 NATIONAL ELECTIONS

The Philippine Embassy in Seoul informs the Filipino Community in South Korea and Mongolia on the following schedule of Field and Mobile Overseas Voting activities for the 2025 National Elections.

Read More