EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

TAKDANG PETSA PARA SA PAG-TRANSFER NG VOTER REGISTRATION RECORD EXTENDED HANGANG 30 SEPTEMBER 2018


Malugod po naming ipinapaalam sa ating mga kababayan dito sa South Korea na ang takdang petsa para sa pagsusumite ng Application for Transfer of Voter Registration Records ay pinalawig hangang sa 30 September 2018. Lahat ng overseas voters na nagnanais na magpalipat ng kanilang voter registration mula sa isang Embahada patungo sa ibang Embahada o pagbago ng tirahan mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa na parehong nasasakupan ng isang Embahada, ay maaring magsumite ng kanilang application sa ating Embahada dito sa South Korea hangang 30 September 2018.

Muli po naming pinapaalalahanan ang ating mga kababayan dito sa South Korea na ang Overseas Voter Registration ay matatapos sa 30 September 2018. Inaanyayahan naming ang lahat ng kwalipikadong Overseas Filipinos na mag parehistro at isagawa ang karapatang bumoto ng mga karapat-dapat na mga pinuno na magdadala sa ating bansa patungo sa kapayapaan at kaunlaran. Patibayin ang ating demokrasya! Karapatan at tungkulin natin ang Magrehistro at Bumoto! ~ END ~

Other Announcements And Advisories


May 04, 2025
Notice of Canvassing for the 2025 Philippine National Elections

Please be notified that the Philippine Embassy in Seoul will conduct the Canvassing for the 2025 National Elections on:

Read More
April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More