EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan, Agosto 2024


Ipinapaabot ng Embahada ng Pilipinas sa publiko ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan ngayon Agosto 2024.

Para sa taong ito, ang Buwan ng Wikang Pambansa ay may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya" na sumasalamin sa napakahalagang papel na ginagampanan ng wika bilang lunsaran ng pagpapalaya mula sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan.


"Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa" naman ang tema ng Buwan ng Kasaysayan na naglalayong itampok ang kahalagahan ng kasaysayang pampook bilang mahalagang salik sa pagbubuo ng pambansang kasaysayan. Kapag inilagay natin ang ating mga sarili sa konteksto ng ating mga pook na tinitirhan, pinag-aaralan, o pinagtatrabahuhan, lalo tayong napapalapit sa ating nakaraan at sa mga aral na maari nitong ituro sa atin.

Bilang pagdiriwang, nag-organisa ang Embahada ng mga sumusunod na aktibidad: Eskwelahan sa Embahada at Palarong Pinoy at Araw ng Pamilya (Family Day). Bisitahin ang aming opisyal na FB page para sa karagdagang detalye sa mga aktibidad. Salamat po.

Other Announcements And Advisories


January 16, 2026
ABISO UKOL SA DALAWANG MAGKAHIWALAY NA SUNOG SA SEOUL AT LALAWIGAN NG GYEONGGI, IKA-16 ENERO 2026

Read More
January 16, 2026
Pahayag Ukol sa Aksidente sa Bus sa Seodaemun-gu, Seoul, ika-16 Enero 2026

Read More
January 15, 2026
2025 SPECIAL VOLUNTARY DEPARTURE PROGRAM (SVDP) PARA SA MGA UNDOCUMENTED FOREIGN RESIDENTS

Para sa: Lahat ng Foreign Residents na Walang Legal na Status (Undocumented) Ang Ministry of Justice ng South Korea ay naglulunsad muli ng "Special Voluntary Departure Program" (SVDP) para sa mga dayuhang residente na walang legal na status (undocumented) na nais kusang umalis sa South Korea sa itinakdang panahon. Ito ay nagsimula noong  Disyembre 1, 2025(Lunes) hanggang Pebrero 28, 2026(Sabado). MGA BENEPISYO (BENEFITS):

Read More