PISTANG PINOY SA KOREA 2025

PAANYAYA: SA ATING MGA KABABAYAN SA SOUTH KOREA!
Makisali sa Pistang Pinoy 2025 Sama-sama nating ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, at Pambansang Araw ng Migranteng Manggagawa sa ika-8 ng Hunyo 2025, Linggo, mula alas-nuwebe y media ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, sa Yeungjin University, Daegu City.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa espesyal na programa kasama ang mga panauhing pandangal at natatanging mga mang-aawit. Makiisa sa makulay at masayang Parada ng Pistang Pinoy kung saan pipiliin ang Best in Philippine Festival Parade at Best in Gala Fashion Show.
Sali na, kabayan! Magparehistro sa link na ito: https://bit.ly/2025pid
Magkita-kita po tayo!