Pistang Pinoy sa Korea 2025 - Parada ng Pistang Pinoy

PAANYAYA SA ATING MGA KABABAYAN SA SOUTH KOREA!
Makisali sa Pistang Pinoy 2025! Sama-sama nating ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at Pambansang Araw ng Migranteng Manggagawa sa ika-8 ng Hunyo 2025, Linggo, mula alas-nuwebe y media ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon, sa Yeungjin University, Daegu City.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa espesyal na programa kasama ang mga panauhing pandangal at natatanging mga mang-aawit.
Makiisa sa makulay at masayang Parada ng Pistang Pinoy, kung saan pipiliin ang Best in Philippine Festival Parade at Best in Gala Fashion Show!
I-scan ang QR code upang mabasa ang opisyal na gabay sa patimpalak para sa Best in Parade at Best in Gala.
Sali na, kabayan! Magparehistro sa link na ito: https://bit.ly/2025pid
Magkita-kita po tayo!