EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

news

MENTAL HEALTH AWARENESS SEMINAR PARA SA MGA OFWs SA SOUTH KOREA, MATAGUMPAY NA PINANGUNAHAN NG EMBAHADA


H.E. Ambassador-designate Bernadette Therese C. Fernandez ay naghatid ng isang taos-puso at makahulugang mensahe na lubos na nagbigay-inspirasyon at nag-udyok sa mga kalahok.

23 Nobyembre 2025, Seoul, South Korea. Matagumpay na isinagawa ng Embahada ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) South Korea, ang “Mental Health Awareness Seminar para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Korea” noong Nobyembre 23, 2025 sa 3rd floor ng MWO–OWWA Building. Ang programa ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Embahada na pangalagaan ang kabuoang kapakanan at kalusugan, kasama ang pangkaisipan, ng mga Pilipinong manggagawa sa South Korea.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalanging pinangunahan ni OWWA Administrative Staff Jaylord M. Caronan. Nagbigay naman ng Welcome Remarks si Labor Attaché Rosemarie G. Duquez, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mas matibay na suportang pangkaisipan para sa mga OFWs na humaharap sa iba’t ibang hamon sa ibang bansa.

Naghandog ng makahulugang mensahe si H.E. Ambassador-designate Bernadette Therese C. Fernandez, na kung saan muli niyang pinagtibay ang pagpapatuloy ng suporta ng Pamahalaan ng Pilipinas na pangalagaan ang kabuuang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa Korea. Binanggit niya ang kahalagahan ng mental wellness sa pagtaas ng produktibidad, pagiging matatag, at pagpapanatili ng maayos na komunidad ng mga Pilipino.

Pinangunahan ni Dr. Jovelyn E. Kim, na isang bihasa sa mental health at espesyalista sa clinical psychology, ang seminar proper, kung saan tinalakay niya ang mga praktikal na paraan ng pagharap sa stress, balanseng pamumuhay, at pagpapalakas ng emosyonal na katatagan. Naging aktibo ang mga dumalo at lubos na pinahalagahan ng mga kalahok ang makabuluhang kaalamang kanilang natutunan, lalo’t tumutugon ito sa kanilang aktwal na karanasan at pang-araw-araw na hamon.

Pagkatapos ng talakayan ay ipinagkaloob ang mga sertipiko ng partisipasyon. Nagbigay naman ng Closing Remarks si Welfare Officer Cornelia DG. Chanco, na nagpahayag ng pasasalamat sa aktibong pakikilahok ng mga dumalo at muling tiniyak ang patuloy na suporta ng OWWA sa komunidad ng mga OFW. Kanyang binigyang-diin na sa ilalim ng 10-Point Agenda at Alagang OWWA framework ni Administrator Caunan, mananatiling pangunahing misyon ng OWWA ang pagtataguyod ng isang ligtas, matatag, at mentally resilient na Filipino migrant community. Bahagi ito ng ilalim ng mas pinatibay na serbisyong kilala bilang “Alagang OWWA”, na nakatuon sa maagap, makatao, at komprehensibong pagtugon sa pangangailangan ng bawat OFW.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na isinusulong ng Embahada, MWO, at OWWA ang misyon nitong pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa Korea sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mental health ay nananatiling pangunahing bahagi ng kanilang mga programa para sa komunidad. END

Si OWWA Administrative Staff Jaylord M. Caronan ay nagsilbing tagapagpadaloy ng buong programa, na may kahusayan at gumabay sa maayos na daloy ng aktibidad. Si Labor Attaché Rosemarie G. Duquez ay nagbigay ng masinsin at makahulugang panimulang pananalita (opening remarks) na naglatag ng layunin at kahalagahan ng programa. Samantala, si Welfare Officer Cornelia DG. Chanco ay naghatid ng makabuluhan at nagbibigay-pasasalamat na pangwakas na pananalita (closing remarks) bilang pagtatapos ng gawain. Bukod dito, si Dr. Jovelyn E. Kim, bilang Resource Speaker, ay nagbahagi ng kanyang dalubhasang kaalaman at mahahalagang pananaw na lubos na nakatulong at nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok.

Other News


December 08, 2025
PHILIPPINES REAFFIRMS COMMITMENT TO GLOBAL WOMEN, PEACE AND SECURITY (WPS) AGENDA

27 November 2025, Seoul. Secretary of Foreign Affairs Ma. Theresa P. Lazaro delivered congratulatory remarks at the “7th International Conference on Action with Women and Peace (AWP)” hosted by the Ministry of Foreign Affairs of the Republic of Korea on 13 November 2025 at the Lotte Hotel in Seoul. The conference was held under the theme “WPS@25: Priorities and Innovation for the Future” which also marks the 25th anniversary of the Women, Peace, and Security (WPS) agenda, which seeks to protect women in conflict situations and expand their participation in peacebuilding processes. 

Read More
December 07, 2025
KEYS DELEGATES CALL ON PH AMBASSADOR FOR YMUN KOREA 2025

27 November 2025 – PH Ambassador-designate Bernadette Therese C. Fernandez warmly received a delegation from KEYS School Manila, composed of nineteen Grade 10 students and three faculty advisers, during a courtesy call at the Sentro Rizal Conference Room of the Chancery on 27 November 2025.

Read More
December 03, 2025
PH EMBASSY IN KOREA SUPPORTS 14TH PH-ROK COAST GUARD BILATERAL MEETING, STRENGTHENING MARITIME COOPERATION

Incheon, Republic of Korea – The Philippine Embassy in Seoul participated in the 14th Bilateral Meeting between the Philippine Coast Guard (PCG) and the Korea Coast Guard (KCG) held in Incheon on 26 November 2025. 

Read More