
2025 LIVELIHOOD SKILLS TRAINING AND HEALTH AND WELLNESS PROGRAM
Muling inaanyayahan ng Embahada at MWO OWWA ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa South Korea na makilahok sa pagpapatuloy ng Livelihood Skills Trainings at Health & Wellness Programs simula buwan ng Pebrero!
Read More
LEGAL CARAVAN SA SOUTH KOREA: SEMINAR AT LIBRENG CONSULTATION, 30 MARCH 2025
Inaanyayahan ng Philippine Embassy, kasama ng Zonta Club of Central Tuguegarao at IBP Cagayan Chapter, ang lahat ng ating kababayan sa unang KYRR Series ng taon, ang "Legal Caravan sa South Korea: Seminar at Libreng Legal Consultation" na gaganapin sa 30 Marso 2025, Linggo sa Sentro Rizal Hall, Philippine Embassy. Magkakaroon ng Legal Seminar simula 9:30 AM hanggang 12:00 NN patungkol sa iba't ibang isyu katulad ng annulment, divorce, kustodiya ng mga bata, pagmamay-ari ng lupa, at iba pa. Magkakaroon din ng libreng one-on-one legal consultation simula 1:00 PM hanggang 4:00 PM. Mag-register lamang po sa https://bit.ly/legalaidseoul o di kaya'y i-scan ang QR Code sa poster. Maaari ring tumawag sa 010-9263-8119. Maraming salamat po!
Read More
PAANYAYA: FORUM ON ONLINE VOTING AND COUNTING SYSTEM SA SOUTH KOREA AT MONGOLIA SA MARSO 16, 2025
Inaanyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul ang Filipino community na dumalo sa Forum on Online Voting and Counting System sa South Korea at Mongolia sa Marso 16, 2025 (Linggo), 4:00 PM - 6:00 PM (Korea Time), via Zoom. Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa online voting para sa darating na halalan. Magparehistro sa bit.ly/ForumOnlineVoting2025 o i-scan ang QR code sa poster. Magkita-kita po tayo!
Read More